Wednesday, May 13, 2009

10 RULES in life

sulating di-pormal

kung si Big Bossing above ay mayroong 10 rules... Syempre ako din!! nyahaha. :p

Sa araw-araw nating pakikibaka sa buhay,
sa araw-araw na pakikipagsapalaran…
iisa lang ang lagi kong nasa isip…

BE POSITIVE!!!

sus, tama nga naman ano??!
Puro negative na nga yata nangyayari sa akin nitong mga nagdaang araw,
e pati ba naman ako e papadala pa dyan sa negative na yan……. hmmmm….
howel, eto na ang list ko!

1. Lagi kang ngumiti. Laughter is the best medicine nga daw db? Nakaka-relax din ‘to pero wag naman sobra-sobra ang pagtawa ha, baka naman isipin nila e nasisiraan ka na.

2. Laging isipin kung ano ang tama. Kung hindi ka sigurado, isipin mo pa ng isipin at isipin at isipin pa ulit.
O wag din sobra ha, baka mabaliw ka.

3. Huwag kang sumuko kung alam mong mayroon ka pang magagawa. Para sa akin, walang bagay ang masasabi nating “tapos na” maliban na lang kung tumigil na tayo sa pagtangkang ayusin pa ito.

4. Maglaan ng oras para sa pamilya, kaibigan at sa iyong sarili. Dito mahahasa ang “time management” mo. o db?!
showbiz na showbiz na ang dating mo kung lahat sila ay magde-demand sa’yo!

5. Makuntento ka. Maging masaya sa bawat bagay na mayroon ka. Kung wala nito, hindi mo ba maiisip na minsan pa… lumigaya ka ng dahil dito.

6. Ituring ang bawat pagkakamali na isang daan sa paglago ng iyong sarili. Walang perpekto sa mundo. Kung ikaw ay magkamali man, gumawa na lang paraan para maayos agad ito.

7. Huwag ikumpara ang sarili sa iba. Iwala mo na sa bokabularyo mo ang salitang insecure--ek-ek na yan.
“Believe in yourself”. go..go..go.. pustahan tayo, mayroon kang katangian na wala sila. Kung mayroon naman silang katangian na wala ka… basahin mo na lang ng basahin ang naunang sentence ko dito… for sure, lalakas ang loob mo!

8. Wag isipin ang kung anong sasabihin ng iba. Lahat tayo ay may kani-kaniyang talento, opinyon at pag-iisip…
“individual differences” nga sa ingles. Kung ikaw ay isang matinong tao at mabait ka naman, hindi mo na kailangan nyan dahil kung mahal ka nila… wala na silang masasabi sa’yo db??! Tanggap ka nila kung ano o sino ka.

9. Isipin ang kabutihang taglay ng bawat isa. Gaano man kasama ang tao sa paningin mo, meron at meron pa ring natitirang kabutihan sa pagkatao nito. Ikaw na ang bahalang maghanap nito…kilalanin mo syang mabuti...
Subukan mong hanapin ang kabutihan sa kanya, you’ll see… magugulat ka! ;)

10. Ang panghuli at ang da best para sa akin ay…. Huwag kang magmadali sa buhay hanggang sa makalimutan mo na kung san ka ba galing or even kung saan ka ba pupunta… kung ano ang purpose mo dito sa mundo.
Ang buhay ay hindi isang kompetisyon kundi isang paglalakbay na ating dapat i-enjoy.
Tandaan, minsan mo lang madadaanan yan…



***

No comments:

Post a Comment