Sunday, July 12, 2009

happy birthday mamadear!!



Birthday nga pala ng mamadear ko ngayon.
Alam kong corny pero para sa mommy ko to.
-ok game!- type whatever goes.


Ansarap ng may nagmamahal sayo ng totoo.

Siguro yun lang naman talaga ang gusto nating lahat sa buhay. Yung may magmamahal satin ng totoo. Kasi aminin na natin na kahit anong mis-understanding ang pagdaanan niyo ng nanay mo,
hindi mo made-deny sa sarili mo na mahal na mahal ka niya.

Gusto kong idedicate ang entry na to para sa kanya.Pramis. Wala akong maisip na ibang paraan para mapasaya siya kasi para sa kanya matigas ang ulo ko.
Hindi naman makapal mukha ko para mag upload ng video sa youtube na
nagsasabing mahal na mahal ko siya.. Sapat na sakin yung siya lang makaka-alam nun.
Kasi hindi ko naman ide-deny yun sa ibang tao.
Mahal ko ang mommy ko.

Siya na yata ang pinaka mabuting nanay pag naaalala ko yung mga bagay na nagawa at nasabi ko na hindi ko naman talaga sinasadya, minsan dala lang ng init ng ulo. kaya niyang kalimutan lahat ng yun na parang walang nangyari.
Saka lagi niyang sinasabi sakin na pamilya lang ang makakaintindi samin kahit ano pa ang kaweirduhan ang gawin namin. Kahit siguro maging kasing sama ko si Adolf Hitler ... siya parin ang makakaintindi sakin.

Mga nanay parin ang makakaintindi sa atin.



Dati kasi nahihiya akong aminin kahit sa sarili ko na mahal ko ang mommy ko.
Pero ngayon ko narealize na nakakahiya pala talaga ako.


Sa Pag alaga saming magkakapatid, Thank you ma.
Sa lahat ng mga sakripisyo mo na hindi namin naappreciate agad, Thank you po.
Sa pagturo mo samin ng mga mabubuting bagay dito sa mundo, Salamat Ma.
Pinakita mo samin na ang saya saya ng buhay kahit na parati tayong nakikipagpatentero sa mga problema.

Sa mga nagawa ko pong kasalanan sa inyo, Sorry po talaga.
Yung mga pinagsasabi ko dati, hindi ko po sinasadya yun. Echos lang yun.


Alam niyo ba, lagi niyang sinasabi sakin na ok lang magkamali..
na lahat ng tao, lahat ng mga singer, pumipiyok.
Lahat ng dancer, nalilito din. Lahat ng Gwapo at maganda, tumatae din. Lahat ng athlete, nadadapa. Na lahat daw ng tao, marunong gumawa ng mali.. Wag lang paulit ulit. Kahit ilang beses ko pa ulitin yung mga pagkakamali ko, lagi niya yan sinasabi sakin. Hindi siya nagsasawa.
At gusto kong patunayan sa kanya na hindi nasayang yung mga sinabi niyang yun. Kasi naiintindihan ko na yun ngayon. At lagi ko yun ipagpapasalamat sa kanya.
Lagi. Kasing dalas ng paggalaw ng cursor ng orasan.


Sobrang Thankful ako kay Lord.

At Sana maibalik namin sa iyo yung pagmamahal mo.. Sana maging wonderwoman ako para lang mapakita ko kung gaano ako tumino sa pagpapalaki saken.

patuloy akong makukulong sa konsepto na hindi ikaw ang pinakamagaling at pinkamahusay na ina

alam mo kung bakit?? nahigitan mo pa ang lahat ng pinagsamasamang pinakamagagaling na nanay sa mundo. kahit marami tayong hindi pagkakapareho, balang araw
gusto ko pa rin maging katulad mo.


labas tayo pag may suweldo na ako, pramis, libre ko. ngayon ka lang makakakita ng alalay nanglilibre ng amo. wahehe.


No comments:

Post a Comment